Iimbitahan umano ng Saudi Arabia ang ilang international experts upang tumulong sa imbestigasyon hinggil sa ginawang pagpapasabog sa dalawang oil facilities ng bansa.
Sa isinagawang preliminary investigation, nakita na Iranian weapons ang ginamit sa naturang pag-atake na sumira sa halos kalahati ng oil production ng Saudi Arabia.
Sinabi ng Saudi Ministry of Foreign Affairs na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang siguraduhin ang seguridad at katatagan ng bansa sa oras na ilabas na ang pinal na resluta ng imbestigasyon.
Kinumpirma rin nito na sapat ang kapasidad ng bansa upang resolbahan at depesahan ang kanilang lupain maging ang kanilang mamamayan.
Nanawagan din ito sa buong mundo upang kondenahin ang pag-atake na naging sanhi upang maparalisa ang halos 50% ng oil production ng Saudi Aramco.