-- Advertisements --

No choice si Kris Aquino kundi manatili pa sa Pilipinas hanggang makatiyak ang kanyang mga doktor na makakaya nito ang mahabang biyahe sa eroplano patungo sa Amerika.

Ito’y matapos hindi mabigyan ng clearance ng kanyang mga doktor ang dating presidential sister dahil sa mataas na blood pressure na umaabot aniya sa 140/92. Maliban pa ito sa pag-atake ng kanyang asthma at dumanas din ng matinding sinusitis.

Nabatid na sa labas ng bansa magpapagamot ang kinikilala noon bilang Queen of All Media, pero tila “nabati” aniya ni Angel Locsin ang kanyang flight.

Kuwento ni Kris, humirit kasi ang kaibigang aktres na huwag muna siyang matuloy sa flight abroad dahil mamimis niya ito.

Wala pang nabanggit ang 51-year-old TV host/actress kung kailan siya makakaalis at kung tumuloy pa rin sa original flight ang mga anak na sina Josh at Bimby.