Inanunsyo ng International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) na magpapadala sila ng mga international observers para bantayan ang 2025 Philippine midterm elections.
Matatandaang noong 2022, iniulat ng ICHRP ang mga paglabag umano sa karapatang pantao kaugnay ng eleksyon tulad ng vote buying, pagkabigo ng electronic voting system, misinformation, red-tagging, banta, at pagpatay.
Ayon sa ulat ng grupo, hindi naging malaya o patas ang nakaraang eleksyon, na nagdulot ng pangamba sa lumiliit na espasyo para sa civil rights sa Pilipinas.
Kasunod ng pag-aresto ng ICC kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at alitan ng mga pamilya Marcos at Duterte, muling magpapadala ang ICHRP ng mga observers.
Sa gitna ng mga ulat ng pandaraya, disinformation, at karahasan sa eleksyon, mahalaga anila ang independent observation upang maipahayag ang mga natuklasan sa international community.
Mangunguna rin ang ICHRP sa isang webinar na pinamagatang “The World is Watching: Philippine Elections 2025” sa Abril 23, 2025, upang talakayin ang kahalagahan ng independent observation.