Iginiit ni Sen. Richard Gordon na hindi na umano kailangan pa na magsagawa ng United Nations ng isang malalimang pagrebyu ukol sa human rights situation sa Pilipinas.
“We have the Commission on Human Rights. Ano ginagawa nila? Hindi ba nag-hearing tayo diyan?” wika ni Gordon sa isang panayam.
“What we need to do is we need to show that the government is functioning . . . Ipakita natin na kaya natin i-solve ’yung problema.”
Nitong Huwebes nang pagtibayin ng United Nations Human Rights Council ang resolusyon ng Iceland para imbestigahan ang mga paglabag ng karapatang pantao sa Pilipinas kaugnay sa anti-drug war ng Duterte administration.
Kinuwestiyo din ng mambabatas ang motibasyon ng konseho patungkol sa resolusyon.
“Ano ginagawa nila sa China? ’Yung China, maraming human rights abuse. Maraming kinukulong,” ani Gordon.
Una na ring binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Iceland dahil sa pag-endorse sa resolusyon kung saan iginiit nito na wala raw alam ang Nordic island nation sa mga problema ng Manila.
Gayunman, suportado ni Vice President Leni Robredo ang imbestigasyon at kanya raw “ie-entertain” ang mga UN investigators sakaling magsimula na ang kanilang pagrepaso sa umano’y paglabag sa karapatang pantao.