-- Advertisements --

Binatikos ni Sen. Risa Hontiveros ang resulta ng imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Recto Bank incident sa West Philippine Sea.

Matatandaang nawasak at lumubog ang bangkang pangisda na F/B Gem-Ver 1 ng mga Pinoy, habang ang 22 sakay nito ay nagpalutang-lutang sa dagat, makaraang sagasaan ng Chinese vessel.

Ayon kay Hontiveros, tila paninisi pa sa mga biktima ang nilalaman ng PCG report.

Kaya naman, lalo pa nitong ipinupursige ang third party probe sa naturang pangyayari.

“This is clearly a case of victim-blaming. Parang may nag-hit-and-run sa nakaparada mong kotse nang madaling araw, tapos ikaw pa ang may kasalanan dahil nagpahinga ka at hindi mo binantayan ang auto mo ng bente kwatrong oras,” wika ni Hontiveros.

Paniwala ng opposition senator, hindi na objective ang report ng PCG dahil may mga nauna nang pahayag sa isyu si Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang opisyal ng gobyerno.