-- Advertisements --

Inihayag ni Finance Sec. Benjamin Diokno na posibleng mauumpisahan na ang investment activities ng Maharlika Investment Corporation (MIC), sa first quarter ng susunod na taon.

Positibo si Diokno na magiging fully operational ang Maharlika Investment Fund (MIF) bago matapos ang 2023.

Una nang nagbigay ng mandatory contributions sa MIC ang Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines at ang Bangko Sentral ng Pilipinas para sa paunang kapital ng MIC.

Ayon kay Diokno, inaasahang maisusumite ng MIF Advisory Body kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pinal na listahan ng mga nominado para sa MIC Board of Directors bago o pagsapit ng October 12.

Sabi ng kalihim, hinihintay ng investors ang mga mukha ng MIC, ang kanilang mga strategy at kung saan ilalagak ang MIF na unang sovereign wealth fund ng Pilipinas.