-- Advertisements --

Umabot na sa 1.16 trillion pesos ang investment approval ng Philippine Board of Investment o BOI. Ito na ang pinakamataas sa 56 taon ng ahensya. 

Ang mga investment pledges ay nanggaling sa 303 projects na inaasahang makagagawa ng 47,195 na trabaho sakaling maging fully operational na ang lahat.

Malaking tala ng investment ay nagmula sa power sector lalong-lalo na sa renewable projects  na nagkakahalaga ng 986 billion pesos. Mayroon kasing seven offshore wind projects sa Cavite, Laguna, Dagupan, San Miguel Bay, Negros, and Northern Samar. 

Ang bansang Germany ang naitalang top investor ngayong taon na may 393 billion pesos, sinundan ng The Netherlands na may 333 billion pesos, pangatlo ang Singapore na may 17 billion pesos at pang-apat ang USA na may 3.38 billion pesos.