Iniulat ng Philippine Board of Investments (BOI) ang pagtaas sa mga aprubadong investments sa bansa, kung saan tumaas ng 3,722% ang aprubadong mga pamumuhunan mula sa dayuhang bansa sa katapusan ng unang quarter ng 2023.
Umabot sa PHP 463.3 bilyon ($9.2 bilyon) ang kabuuang mga proyekto na inaprubahan ng Board Of Investment (BOI) sa unang tatlong buwan ng taon, na nagpapakita ng 155% na pagtaas kumpara noong nakaraang taon.
Ayon kay Department of Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual, inaasahan na tataas ng 7.1% ang GDP ng bansa sa unang quarter, na nagpapakita ng mabilis na paglago ng ekonomiya sa Asia-Pacific.
Inihayag naman ni Evariste Cagatan, BOI’s executive director for investment promotion services, nasa mahigit 40 percent ng initial target approval ng ahensiya ngayong taon ay nasa P1 trillion.
“Most of the investments that are coming in… nasa renewable energy, nasa manufacturing. And iyong renewable energy napakaimportante iyan sa panahong ito dahil nga ho gusto ho natin ng green economy,” pahayag ni Cagatan.
Batay sa datos ng BOI, P165.4 billion o halos 36 percent ng mahigit P463 billion ay foreign investments, habang ang iba ay domestic investments.
Sinabi ng ahensya na ang mga approved investment ay makapag likha ng nasa 16,719 na mga trabaho sa bansa.