-- Advertisements --

DAVAO CITY – Pinahinto ni Police Regional Office (PRO-11) director Brig. Gen. Marcelo Morales ang operasyon ng Jogle Innovative Marketing matapos malamang wala itong permit na makapag-operate sa lungsod ng Davao.

Napag-alaman na nitong Martes nang isinagawa ang opening ng investment company at napag-alamang ilang katao lamang ang nakalinya rito.

Ito na ang pangalawang investment company na pinasarhan sa lungsod kung saan ang una ay ang Rigene Marketing.

Ayon kay Janet Garcia, sa isang investment company ay may dalawang buwan pa silang observation period habang nag-aaplay ng business permit.

Ang main office umano ng nasabing kompaniya ay nasa siyudad ng Tagum.