Nagpahayag ng kumpiyansa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na lalong bubuhos ang investment inflows sa bansa kasunod ng pag host ng Pilipinas sa 6th Indo-Pacific Business Forum (IPBF) ngayong taon na magreresulta sa mas maraming trabaho para sa mga Filipino.
Ito’y matapos inimbitahan ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. ang mga top US business leaders na makiisa sa nasabing event sa Manila na nakatakda sa May 21,2024.
Isinagawa ng PH-US Business Forum sa sidelines ng historic trilateral meeting sa pagitan nina US President Joe Biden, Japanese Prime Minister Fumio Kishida, at President Marcos, Jr.
“I am confident that the 6th Indo-Pacific Business Forum will serve as a springboard for increased investment inflows into the Philippines,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Kung maalala, sinabi ni Philippine Ambassador to the US, Jose Manuel “Babe” Romualdez na tinatayang nasa $100 billion investments mula sa US at Japan ang posibleng papasok sa bansa sa susunod na limang taon bilang resulta ng historic trilateral summit.
Inaasahang nasa 500 business leaders, project developers, government officials, at financing sources ang dadalo sa forum kung saan tatalakayin ang ibat ibang usapin gaya sa infrastructure, supply chain resilience, critical minerals, clean energy, the digital economy, emerging technologies, at inclusive trade.
Ang U.S. Trade and Development Agency (USTDA) at ang Philippine government ang mag co-host sa 6th IPBF dito sa Manila sa pakikipagtulungan ng U.S. Department of State.
Ayon naman kay Speaker Romualdez ang nakatakdang IPBF gathering dito sa Manila ay nagapatunay na ang Pilipinas ay nagiging hub para sa mga negosyo at pamumunuhan Indo-Pacific region.
“The House of Representatives will continue working hand in hand with the administration of President Marcos towards the realization of his vision for the Philippines to achieve upper-middle income economy status by the start of the next decade,” pahayag ni Romualdez.
Ang Indo-Pacific Business Forum ay isang premier public-private U.S. government event na naglalayong i-promote ang ang trade, investment, at economic cooperation sa pagitan ng United States at sa mga partners nito sa buong Indo-Pacific region.