DAVAO CITY – Tiniyak ni Brig. Gen. Marcelo Morales, director ng Police Regional Office (PRO-11) na kahit may mga investment companies sa Davao del Norte partikular na sa Tagum City ang nagsara o temporaryong itinigil ang kanilang operasyon, iimbestigahan pa rin ng otoridad ang mga status ng mga ito.
Layunin ng nasabing hakbang na malaman kung muling bumalik sa kanilang operasyon ang mga ito at sekretong isinagawa ang kanilang mga transaksiyon.
Nabatid na mula nang isinagawa ang sunod-sunod na operasyon sa mga iba’t-ibang law enforcement units mula Luzon, karamihan sa mga investment scams ang tumigil na sa kanilang operasyon.
Ngunit may lumabas na impormasyon na ilan sa mga ito ay sekretong nagsagawa ng kanilang operasyon.
Ayon pa kay Morales, kung may malaman sila na mga investment scams na sekreto ang operasyon, ito ang susunod nila na target ng binuong inter-agency task force.