Tumaas sa 19.25% ang investments approvals mula Enero hanggang kalagitnaan ng buwan ng Marso ng kasalukuyang taon.
Ayon kay PEZA Director General Tereso Panga, ang kabuuang halaga ng inaprubahang investments ay pumapalo sa P14.951 billion.
Mas mataas ito kumpara sa P12.537 billion investments na inaprubahan noong Enero hanggang Marso ng nakalipas na taon.
Bulto ng naturang mga investment ngayong taon ay mula sa electronics company o Information Technology-Business Process Management.
Mayroon ding ilang investments na mula sa metal industry at transportation at electric vehicles.
Ayon sa PEZA chief, ang lumalagong investments approvals sa unang 3 buwan ng taon ay nagpapakita ng commitment ng Marcos administration na makaengganyo pa ng mas maraming mga pamumuhunan para mapalakas pa ang ekonomiya ng ating bansa.
Target ng PEZA na makalikom pa ng P250 billion investments approvals para sa buong 2024.