-- Advertisements --
DAVAO CITY – Ikinatuwa ng mga investors na biktima ng investment scam na Rigen marketing ang desisyon ng korte na ilipat sa Tagum City ang CEO at scammer na si King Paul Auditor.
Kung maalala, nagpalabas ng mosyon si Judge Viginia Ang sa CIDG head office, Camp Crame na ilipat na sa Tagum ang nasabing scammer na nahaharap sa 4 counts ng syndicated estafa.
Maliban kay Auditor una na rin na sinampahan ng kaso ang iba nasa likod ng Rigen Marketing kung saan milyong piso ang natangay ng mga ito at bigo na makapagsagawa ng refund sa kanilang mga investors.
Karamihan sa mga investors ang umaasa pa rin na maibalik sa kanila ang pera lalo na at karamihan sa mga ito ay milyon ang kanilang naging investment.