-- Advertisements --
Muli na namang nag-collapse ang stock market ng Pilipinas kasunod na rin nang pagkabahala ng mga investors sa ikalawang araw na market lockdown sa buong Luzon.
Sinasabing ito na ang biggest decline sa record.
Ang local stocks ay nagtapos sa pagsadsad sa 711.95 points o kaya 13.34%.
Naging maiksi lamang ang trading nitong araw kung saan naitala ang 4,623.42 closing na maituturing na lowest level mula January 26, 2012 kung saan ang index ay nagsara sa 4,611.68.
Tinawag ng ilang analysts na “brutal” ang sell-off para agad na mawala ang P1.14 trillion sa Philippine stock market.
Bago ito ang Pilipinas ang una sa mga bansa sa mundo na nagkaroon nang indefinite suspension sa trading upang makaiwas sa pagkalat sa coronavirus disease.