-- Advertisements --
sss

Nais palawigin ng ilang mambabatas ang involuntary separation benefit ng Social Security System, mula dalawang buwan hanggang anim na buwan dahil ang kasalukuyang sitwasyon umano dala na rin ng pandemya ay hindi madali para sa mga mang gagawa.

Ang House Bill No. 1175 o ang Act Expanding the involuntary separation benefit ay magsisilbing suporta ng mga mang gagawang nawalan ng trabaho.

Makatutulong rin ito upang makapagsimulang muli.

Itong unemployment benefit ay ang pinakabangong social security benefit ng ahensya simula noong 2019.

Sa halos apat na taon umano ng implementasyon ay nakabenepisyo na ang mahigit 300,000 na mga Pilipino.

Sumasang ayon naman umano ang ahensya sa panukalang batas lalo na’t alam naman umano nang lahat na karamihan talaga ay naghirap sa panahon ng pandemya.

Ngunit ayon kay Social Security System Atty. Edgar Cruz itong karagdagang involuntary separation benefit ay maaaring makadagdag sa unfunded liability ng ahensya.

Ang pondo umano ng ahensya aniya ay “largely unfunded” o dumedepende lamang sa kontribusyon.

Ang fundlife umano ni Social Security System ay hanggang 2054, sa short o medium term umano ay kaya namang maibigay ang full benefit ngunit pagkatapos nito ay posible nang lumubo ang unfunded liability ng ahensya.