Nakikipag-ugnayan ang International Olympic Committee sa suspendidong boxing federation na AIBA kaugnay sa qualifiers at tournament ng sport sa 2020 Tokyo Olympics.
Maaalalang ang IOC na ang umako sa boxing qualification at competition para sa Tokyo Games makaraang suspindihin ang AIBA dahil sa samu’t saring isyu.
“Lots is still going on. We have just enough time for this project. There is a lot that needs to be done but a lot has been done already,” wika ni IOC sports director Kit McConnell.
Naghahabol na ngayon ang IOC na mag-organisa ng mga serye ng continental qualifiers sa unang bahagi ng susunod na taon habang naghahanda rin para sa torneyo sa Tokyo.
“AIBA has been very supportive when needed on information we sought such as refereeing, judging, technical and rules. We have to recognise AIBA staffing has been reduced significantly but when we have gone to them they have been supportive,” ani McConnell.
“In that regard they have engaged with us and have provided information but let’s be clear about this: the qualification events are done through the IOC and by the IOC.”
Nakasandal nang husto ang AIBA sa kita ng Olympics upang kanilang gamiting pondo at nagsimula na rin silang magtanggal ng ilang mga empleyado kasunod ng pagkakalaglag sa Games.
Hindi pa rin nakakabangon mula sa kontrobersya ang boxing body dahil sa isyu sa kanilang pananalapi at pamamahala sa loob ng ilang taon.