-- Advertisements --

Umani nang batikos ang International Olympic Committee (IOC) dahil sa itinuloy na torneyo kamakailan habang nasa kalagitnaan ang paglaganap ng COVID-19.

Sinisisi ng Turkish Boxing Federation ang IOC sa umano’y pagiging iresponsable makaraang dalawang Turkish boxers at isang trainer nila ang nagpositibo sa coronavirus.

Kinilala naman ng Turkish Boxing Federation website ang dalawa sa mga nahawa na sina Serhat Guler at trainer Seyfullah Dumlup’nar na nakuha umano ang sakit sa ginanap na European qualifiers kung saan ang host ay ang Copper Box sa London na nilahukan ng 40 mga bansa.

“While the world was taking extreme measures to deal with the virus, I am baffled that an IOC taskforce and the British government allowed the tournament to start even though many of us had concerns and almost every other sport had shut down,” ani federation President Eyup Gozgec sa ulat ng Guardian.