Dumaan sa maraming mga pagpupulong ang International Olympic Committee (IOC) sa ginawa nilang pagpaliban ng Tokyo Olympics.
Sinabi ni Francesco Ricci Bitti, ang pangulo ng Association of Summer Olympic International Federations (ASOIF) na sila ang huling nagbigay ng pananaw sa paglipat ng petsa ng Olympics.
Ilang minuto matapos ang pakikpagpulong sa kanila ni IOC president Thomas Bach ay inilabas na nila ang desisyon sa paglipat ng petsa ng Olympics dahil pa rin sa banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Unang kinunsulta ni Bach ang mga local organizers sa Tokyo at nakipagpulong sa executive board ng IOC.
Binubuo ng grupo ng gymnastics, track and field, swimming ang ASOIF na siyang huling nakausap ni Bach.
Kumbinsido ang marami na dapat ipagpaliban ang nasabing Olympics.