-- Advertisements --

Magpupulong ang International Olympic Committee (IOC) at mga international sports organisations para sa kapalaran ng 2020 Tokyo Olympics.

Ayon sa IOC na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Japan para makita kung may posibilidad ba na ikansela ang Olympics.

Dagdag pa nito na kakausapin pa nila ang mga iba’t ibang representative ng bansa kung dapat bang ituloy ang Olympics.

Magugunitang ipinaggiitan ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na tuloy pa rin ang Olympics na gaganapin sa pagitan ng Hulyo at Agosto.