Nagbigay ng apat na linggo na sariling deadline ang International Olympic Committee (IOC) para ikonsidera nila ang pagpapaliban ng Tokyo Olympics.
Nanindigan pa rin sila na maaaring ilipat lamang ang petsa pero hindi na ito ipagpapaliban na magsisimula sa Hulyo 24.
Isa sa nagpalakas ng pag-asa ng IOC ay ang mainit pa rin na pagtanggap ng mga Japanese nang dumating sa kanilang bansa ang Olympic flame.
Nagkaroon na rin ng koordinasyon ang IOC sa 2020 Organising committee, Japanese authorities at Tokyo Metropolitan government para pag-usapan ang hakbang na maaring gawin.
Una rito, maraming Olympic organization na ang umaapela na ipagpaliban muna ito hanggang sa susunod na taon dahil sa kulang din ng training ang maraming atleta bunsod ng lockdowns na ipinatupad sa maraming bansa.