-- Advertisements --
Nahalal bilang bagong pangulo ng International Olympic Committee (IOC) si Kirsty Coventry.
Siya ang pang-10 pangulo at kauna-unahang babae at African na nahalal sa puwesto.
Nangibabaw ang 41-anyos sa pitong iba pa na tumakbo para maging pangulo ng IOC.
Itinuturing din na siya ang pinakabatang hahawak ng nasabing posisyon.
Pormal ito ng uupo sa puwesto sa darating na Hunyo 24 dahil sa pagbaba sa puwesto ni Thomas Bach ang kasalukuyang pangulo ng IOC matapos ang 12 taong panunungkulan.
Si Conventry ay isang swimmer mula sa Zimbabwe kung saan nagwagi ito ng pitong medalya sa Olympics.
Sa 2004 Olympics sa Athens ng magwagi ito ng tatlong medalya kabilang ang gintong medalya sa 200 meters backstroke.