Naglabas na ng panuntunan ang International Olympic Committee (IOC) ng bagong panuntunan sa mga atletang transgender na sumasabak sa mga kumpetisyon.
Inilabas ang nasabing panuntunan matapos ang dalawang taon na pagpupulong sa mahigit 250 atleta ang mga stakeholders.
Ipapatupad ang nasabing panuntunan sa Paris 2024 Olympics.
Sinabi ni Kaveh Mehrabi ang director ng IOC athletes department na mahalaga ang pakikipag-dialogo kaysa magkaroon na lamang ng konklusyon.
Papalitan nito ang dating panuntunan ng IOC noong 2015 na papayagan lamang ang mga atletang transgender sa pamamagitan lamang ng kanilang testosterone level.
Magugunitang noong 2020 Tokyo Olympics ay aabot sa 180 LGBTQ atleta ang lumahok kung saan isa na dito si Laurel Hubbard na siyang naging kauna-unahang transgender woman mula sa New Zealand ang lumahok sa women’s super-heavyweight +87kg category pero nabigo ito sa laro at ang soccer player na si Quinn ng womens team ng Canada.