-- Advertisements --

Tiwala ang International Olympic Committee (IOC) na magiging matagumpay pa rin na gaganapin ang Tokyo Olympics.

Ito ay kahit na marami ang humihiling na ipagpaliban ito dahil sa pangamba ng pagkalat ng COVID-19.

Sinabi ni IOC spokesman Mark Adams na nakatutok sila ngayon sa pagtutuloy ng mga laro.

Naniniwala sila na marami pa rin ang pumapabor na matuloy na ang nasabing Oympics na magsisimula sa July 23.

Magugunitang pinalawig pa ng Japan ng hanggang katapusan ng Mayo ang state of emergency dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung saan ito rin ang sanhi ng pagkansela ni IOC President Tomas Bach na kanselahin nito ang kaniyang biyahe sa nabanggit na bansa.