-- Advertisements --

Nirerespeto ng International Olympic Committtee (IOC) ang desisyon ng US government na diplomatic boycott ng 2022 Beijing Winter Olympics.

Ayon sa IOC na ang tanging desisyon ng kanilang gobyerno ang pagkakaroon ng presensiya ng mga opisyal ng gobyerno at diplomats.

Magugunitang nagpasya ang US na hindi magpapadala ng kanilang mga opisyal sa Winter Olympics sa buwan ng Pebrero.

Pero tiniyak ng US na buo pa rin ang kanilang suporta sa mga atleta na dadalo sa nasabing torneo.

Tiniyak naman ng China na sila ay gagawa ng paraan para makabawi sa ginawang boycott ng US.