-- Advertisements --
Nakatakdang maglabas ang International Olympic Committee (IOC) ng desisyon kung maisasama pa nila ang boxing at weightlifting sa Paris 2024 Games.
Sinabi ni IOC President Thomas Bach na mahigpit pa nilang binabantayan ang nasabing mga federations dahil sa nagkaroon sila ng problema sa kanilang mga pamamahala.
Mahalaga na mailabas agad nila ang kanilang desisyon para na rin sa kapakanan ng mga atleta.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay isinagawa ang imbestigasyon na pinamumunuan ng AIBA dahil sa nangyayari umanong manipulasyon sa boxing noon pang 2016 Rio Olympics.
Sa panig naman ng weightlifting ay kailangan ang pagkakaroon ng “culture change” para sa international federations.