-- Advertisements --
Nangako ang International Olympic Commitee (IOC) na kanilang papalitan ang mga medalya ni American swimmer Gary Hall Jr na nasunog sa wildfire sa Los Angeles.
Ayon kay IOC president Thomas Bach, na bibigyan nila si Hall ng replicas ng 10 Olympic medals na natupok ng apoy.
Lumaban ang American swimmer sa Olympics sa mga taon ng 1996, 2000 at 2004 kung saan nagwagi ito ng kabuuang limang gintong medalya, tatlong silver at dalawang bronze sa Atlanta, Sydney at Athens.
Una ng ikinalungkot ng 50-anyos na Hall of Famer swimmer ng US ang pagkasunog ng kaniyang bahay dahil sa wildfire kung saan hindi niya nailigtas ang mga medalya na kaniyang napanalunan.