Nagpaalala ang International Olympic Committee (IOC) sa mga atleta na dadalo sa Tokyo Olympics na huwag magbabalak na lumuhod at magtataas ng kamao bilang suporta sa racial equality.
Ayon sa IOC na hindi sila magdadalawang isip na parusahan ang mga sinumang atleta na gagawin ang nasabing hakbang.
Nakasaad kasi sa IOC Rule 50 na pinagbabawal ang anumang uri ng pagsasagawa ng protesta maging political, religious o racial propaganda sa mga lugar at ilang mga Olympic area.
Dagdag pa ng IOC na ang nasabing rekomendasyon ay base sa isinagawa nilang konsultasyon noong Hunyo 2020 kasama ang mahigit 3,500 na atleta.
Ilang mga international chief ang hindi sang-ayon dito kung saan ayon kay World Athletics’ President Sebastian Coe na mayroong karapatan ang mga atleta na maglabas ng saloobin.
Magsisimula ang Olympics sa Hulyo 23.