-- Advertisements --
Hinikayat ng International Olympic Committee ang organizer ng Tokyo Olympics na gumawa ng paraan para hindi na magtagal ang mga manlalaro sa kanilang lugar.
Ang hakbang aniya ay para hindi na dumami pa ang kaso ng COVID-19.
Ayon kay IOC President Thomas Bach na dapat ang mga national Olympic committee ay mayroong travel plans na ipapatupad sa mga atleta.
Halimbawa nito aniya ay dapat makarating sa Tokyo ang mga atleta limang araw bago ang laro at dapat dalawang araw pagkatapos ng torneo ay nakaalis na ang mga ito.
Mayroon din dapat na mas mahigpit na kontrol sa mga nasa athletic village kung sino ang puwedeng manatili at sino ang hindi puwedeng magtagal para iwas hawaan.