-- Advertisements --
Humanga si International Olympic Committee president Thomas Bach sa ipinapatupad na anti-virus rules ng organizers ng Tokyo Olympics.
Isinagawa nito ang pahayag matapos ang personal nitong pagbisita sa Olympic Village.
Nakita aniya nito na mahigpit na sinusunod ng mga delegado ang ipinatupad na panuntunan para sila ay maging ligtas.
Magugunitang nasa ilalim ng state of emergency ang Tokyo dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.