-- Advertisements --
Binigyang kahalagahan ni International Olympic Committee (IOC) president Thomas Bach ang pagkakaisa ng bawat isa para magkaroon ng kapayapaan.
Sa kaniyang talumpati sa pagbubukas ng Tokyo Olympics sinabi nito na ang COVID-19 ay naghiwalay sa mga tao lalo na sa mga mahal sa buhay.
Itinuturing nito na ang opening ceremony ay isang “moment of hope”.
Pinuri din nito ang mga atleta na napagtagumpayan ang mga pagsubok para makalahok sa Olympics.
Magugunitang ipinagpaliban ang Olympics noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang nasabing torneyo ay hindi pa naipagpapaliban maliban sa ito ay nakansela dahil sa World Wars noong 1916, 1940 at 1944.