-- Advertisements --
Sinuspendi ng International Olympic Committee (IOC) ang National Olympic Committee ng North Korea dahil sa hindi pagsali noong Tokyo Olympics.
Ayon kay IOC chief Thomas Bach magtatapos lamang ang suspension hanggang sa katapusan ng 2022.
Dahil dito ay hindi makakasama ang nasabing bansa sa darating na winter Olympics sa Beijing, China.
Dagdag pa nito na ito ang naging desisyon ng IOC ay base sa resulta ng pagpupulong ng buong committee.
Magugunitang nagdesisyon ang North Korea na hindi na sumali sa Olympics dahil sa pangamba ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.