Nagpahayag ng suporta si International Olympic Committee (IOC) president Thomas Bach sa pagpapatupad ng Japan ng state of emergency sa ilang mga lugar nito dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 na magtatapos ng hanggang Mayo 11.
Isinagawa nito ang pahayag sa pagpupulong niya sa mga Tokyo organizers para maisapinal ang ikalawang edition ng “playbooks” ng rules para sa Olympics.
Tiniyak nito kay Tokyo 2020 President Seiko Hashimoto na naiintindihan nito ang hakbang at ang pagsunod sa nasabing gagawing playbooks.
Nakapaloob kasi naunang edisyon na inilabas noong Pebrero ang pagbabawal sa mga atleta na magsagawa ng protesta at ang palagiang pagsusuot nila ng face mask.
Binawasan ng organizers ang mga papayagang kasama ng bawat manlalaro at mga VIP na manonood ng personal sa Olympics.
Sa darating pa na Hunyo ilalalbas ng organizers kung ilan ang bilang ng mga papayagang manood ng Olympics.