-- Advertisements --

Tinanggap na ng International Olympic Committee (IOC) ang resignation ni IOC President Thomas Bach bilang IOC member.

Ang nasabing resignation ay epektibo sa darating na Hunyo 23, 2025 ang araw para sa paglilipat ng posisyon sa bagong pangulo.

Isasagawa kasi ang halalan sa pagkakaroon ng IOC president sa darating na Marso 20 na gaganapin sa Costa Navarino, Greece.

Isinumite ni Bach ang kaniyang resignation matapos na ianunsiyo ng IOC executive board sa kanilang session sa Paris na hindi ito papalawigin ang kaniyang pagiging pangulo kahit na nais ng ilang miyembro ng IOC.

Nahalal si Bach sa pagkapangulo noong Setyembre 10, 2013 bilang pang-siyam na pangulo ng ICO.

Muling nahalal siya ikalawang pagkakataon para manungkulan ng apat na taon noong Marso 10, 2021.

Naging Olympic champion siya ng manalo ng gintong medalya sa foil fencing noong XXI Olympiad sa Montreal noong 1976.

Naging pangulo din siya ng German Olympic Sports Confederation (DOSB) noong 2006.