-- Advertisements --

Minaliit pa rin ng International Olympic Committee (IOC) ang maraming panawagan sa Japan na dapat kanselahin na ang mga Tokyo Olympic games dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.

Sinabi ni IOC President Thomas Bach na tiniyak sa kaniya ng gobyerno ng Japan at Olympic organizers na magiging ligtas ang mga laro.

Naglaan din ang IOC ng karagdagang medical personnel para matiyak na maipapatupad ang anti-COVID measures katuwang ang gobyerno ng Tokyo.

Dagdag pa nito na 75% na mga tao na nagpaplano na magtungo sa Olympic Village ay naturukan na ng COVID-19 vaccine.

Naging matagumpay rin aniya ang ginawa nilang test events at wala sa mga ito ang lumabas na super spreader events.