-- Advertisements --
Nagpasya ang television host na si Ion Perez na umatras na lamang sa pagtakbo bilang konsehal ng Concepcion, Tarlac.
Sa kaniyang social media account, ay nagpost ito ng video sa pag-atras niya.
Sinabi nito na nais niyang ihanda muna ang sarili bago tuluyang tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.
Pinasalamatan din nito ang mga kababayan niya dahil sa pagtutulak sa kaniya na tumakbo.
Magugunitang naghain ng kaniyang certificate of candidacy si Perez noong Oktubre 1, 2024.