-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO- Brutal ang sinapit ng lider ng mga katutubo nang pagbabarilin at tadtarin sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Milda Ansabo at IP Leader sa Sitio V Barangay Mahongcog Magpet North Cotabato.
Ayon sa ulat ng pulisya pinasok umano ang biktima sa kanyang bahay ng mga hindi kilalalang armadong kalalakihan at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola at M16 Armalite rifles.
Hindi pa nasiyahan ang mga suspek ay pinagtataga pa ang biktima sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.
Patay on the spot si Ansabo nang magtamo ng maraming tama ng bala at taga sa kanyang katawan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Magpet PNP sa pamamaslang sa IP leader.