-- Advertisements --
Hiniling ni Pope Francis sa mga mananampalataya na ipagdasal ang kasiyahan ng mga pari sa buong mundo.
Ito ang naging mensahe niya sa ginanap na Chrism Mass nitong Holy Thursday.
Ang nasabing mensahe ay binasa ni Cardinal Domenico Calcagno ang pangulo ng Emeritus of the Administration of the Patrimony of the Apostolic See.
Dagdag pa nito na bilang pari ang Jubilee year ay nagrerepresenta ng pagsisimula ng kanilang daan sa pagbabago.
Ang nasabing Chrism mass isang misa para sa mga pari na bahagi ng kanilang renewal ng pangako at ang ordinasyon.