Magreretiro na sa serbisyo sa darating na October 15, 2018 si Philippine Army chief Lt Gen. Rolando Joselito Bautista.
Pero hanggang sa ngayon wala pang pinapangalanan ang Malacanang kung sino ang magiging kapalit ni Bautista.
Si Bautista ay miyembro ng PMA Class 1985 at mistah o kaklase ni AFP chief of staff General Carlito Galvez.
Bago pa man ito magretiro sa serbisyo, ina-appoint na ito ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang sunod na kalihim ng DSWD.
Ayon naman kay Philippine Army spokesperson Lt Col. Louie Villanueva, lahat ng army two star at three star generals ay kandidato sa pagiging Army chief lalo na ang mga division commanders.
Samantala, maging si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay wala pa rin ideya sa kung sino ang itatalaga ng Pangulong Duterte para maging kapalit ni Bautista.
Pero kanila na itong aasahan ngayong linggo dahil sa susunod na Lunes na ang retirement honors ng heneral.
Suportado ni Lorenzana ang appointment ni Bautista bilang kalihim ng DSWD.
Giit ni Lorezana ang advantage ni Bautista ay dahil isa siyang professional at kumpiyansa ang kalihim na magagampanan ni Bautista ang kaniyang trabaho sa DSWD.
“Maybe its time the military should appreciate he wo these agencies and what better way than to put one of them on the job. Furthermore, this may make the job of the DSWD convergent or complimentary to what the military and police are doing or vice versa,” mensahe pa ni Lorenzana.