-- Advertisements --

Ipinapanawagan ng ilang opisyal na dapat simplehan lang ang quarantine status na ipatutupad sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na posibleng maging magulo para sa mga negosyo kung apat na alert levels ang ipatutupad.

Aniya, mas maigi kung gawing dalawa o tatlo lang ang alert levels.

Matatandaang may plano ang Metro Manila Council na magpatupad ng alert level system, kasabay ng pagpapatupad ng general community quarantine with restrictions sa Kamaynilaan.

Layunin nito ay para matulungang makabangon ang ilang negosyong naapektuhan ng malawakang mga lockdown.

Magpapatupad din ng granular lockdowns ang mga lokal na pamahalaan sa mga lugar o mga lansangan, gusali, village, at mga subdivision – na may matataas na COVID-19 cases.