-- Advertisements --

Nilinaw ni Sen. Panfilo Lacson na hindi siya naghahangad o nagmumungkahi ng ikatlong digmaang pandaigdig sa isyu ng West Philippine Sea ngunit may mga mapagpipilian naman para maipakita natin ang ating tindig sa isyu doon.

Matatandaang 22 mangingisdang Filipino ang umano’y sinagasaan ng Chinese vessel habang naka-angkla sa Recto Bank.

Ayon kay Lacson, marami ang naghintay sa pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte, ngunit naiwang masama ang loob ng ito’y magsalita ukol sa pangyayari.

Paniwala ng senador, hindi pa na-explore ng Pangulo ang ibang options, kaya hindi pa angkop ang pagsuko sa usapin.

Partikular na tinukoy ng mambabatas ang mutual defense treaty (MDT) na hindi pa naman nasusubukan.

Dapat din aniyang ipakita natin na balanse ang umiiral na kapangyarihan sa West Philippine Sea.

“The president broke his silence and left us heartbroken. He forgot to explore all resources available before exercising his last option of surrender. The MDT (mutual defense treaty) is one yet untapped weapon. I am not suggesting WW3 but at least it can make China feel the balance of power in the WPS,” wika ni Lacson.