Makokonsiderang simbolo ng pag-asa ang ipinatatayong 12 palapag na medium-rise public school building sa Cebu City, ayon kay Department of Education Secretary Sonny Angara.
Pinangunahan ni Angara ang groundbreaking ceremony ng 12 palapag na academic building sa Don Vicente Rama Memorial National High School noong Huwebes.
Sa pahayag, sinabi ni Angara, ang gusali ay hindi lamang isang gusali kundi simbolo ng pag-asa. Simbolo aniya ng pagmamahal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi rin ng tanggapan na ang school building ay idisenyo upang makalaban sa sakuna na naglalaman ng 42 silid-aralan, siyam na workshop, isang audiovisual room, isang silid-aklatan, isang clinic, at mga laboratoryo na kumpleto sa kagamitan.
Dagdag pa, tatanggap ito ng 2,000 estudyante kada shift.
Ang pagpapatayo ng gusali, dagdag ng DepEd, ay upang mapabuti ang learning environment ng mga mag-aaral na magbibigay-daan upang mas maraming mag-aaral ang mag-enroll sa special programs at Senior High School.