-- Advertisements --

COTABATO CITY – Inilunsad ng Integrated Provincial Health Office – Maguindanao at Ministry of Health BARMM ang Bakunahang Bayan: PINASLAKAS: Special COVID 19 Vaccination Days upang mapataas ang coverage ng COVID – 19 booster sa lalawigan ng Maguindanao.

Layunin ng orientation na mas palakasin ang kampanya ng pagbabakuna sa COVID sa loob ng lalawigan ng Maguindanao ngayong linggo Setyembre 26-30, 2022.

Dumalo sa nasabing akyibidad sina OIC Minister of Health, Deputy Minister Zul Qarneyn Abas MD, Dr. Alex Ampatuan, G. Nasrullah Imam – PDRRMO-Mag, Dr. Elizabeth Samama, Provincial Health Officer II, IPHO-staff.

Ayon sa report, nong Setyembre 23, 2022, ang IPHO – Maguindanao ay nakapagturok na ng kabuuang 1,065,938 doses.

Sa datos, mahigit 612,235 o 66% ang nabigyan ng isang dose, 494,811 o 54% ang fully vaccinated, 113,383 o 12% para sa first dose ng bakuna, at kabuuang 42,135 o 5.6% para sa 1st booster doses habang 37 o 3,46% na hindi nabakunahan sa probinsya.

Ang ahensya at magkakaroon ng recalibrated target na 922,872 o 80% ng populasyon na may kabuuang populasyon ngayong taong 2022 na 1,389,643.

Dagdag pa rito, binigyang-diin din ng IPHO – Maguindanao na ang SVD target priority age group ay 90% para sa A2 Senior Citizen at 50% para sa eligible population na 12 taong gulang pataas upang paigtingin ang coverage ng pagbabakuna.

Samantala, tinukoy naman ng IPHO ang pinakamababang unvaccinated municipalities ay ang Talayan, Guindulungan, Paglat, Datu Unsay, Kabuntalan, Datu Salibo, Datu Abdullah Sangki, GSKP.