-- Advertisements --

Maaari umanong maghain ng reklamo ang mga IPhone owners na nag-aakusa sa Apple na paglabag sa US antitrust law.

Nilinaw ni US Justice Brett Kavanaugh, sumulat sa majority decision na 5-4, karapatan umano ng mga consummer na ihabla sa korte ang mga negosyo.

Ito aniya ang dahilan kung bakit meron silang umiiral na antitrust law.

Nilinaw naman ng Supreme Court opinion na hindi naman nila inaakusahan ang Apple sa paglabag sa antitrust law.

Ito ay kundi ang mga consumers ay may karapatan upang kasuhan ang isang kompaniya.

Sinasabing malaki ang implikasyon ng ruling lalo na sa iba pang mga tech companies na kaparehas ang operasyon na umano’y walled-off online storefronts.

Kung maalala ang Apple ay hindi pinapayagan ang kanilang mga customers na mag-download ng apps sa ibang source liban lamang sa iTunes App Store.