-- Advertisements --

LA UNION – Iniimbestigahan ngayon ng agriculture department ang nadiskubre na patay na baboy na umano’y ipinaanod sa ilog sa bahagi ng Barangay Sto. Rosario West sa bayan ng Aringay, La Union.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Aringay Municipal Agriculturist Benjamin Magno, sinabi nito na isang magsasaka ang nagpaabot sa kanila ng impormasyon hinggil sa naturang patay na baboy na lumulutang sa nasabing ilog.

Hindi na rin nila ipinasailalim sa laboratory test ang patay na hayop dahil naaagnas na ito at mas minabuti na lang na ibaon sa lupa.

Ayon kay Magno, aalamin nila kung sino ang nagtapon ng patay na hayop sa ilog.

Pinawi rin nito ang pangamba ng mga residente dahil wala pa namang patunay kung ano ang dahilan ng ikinamatay ng baboy sa kabila ng usapin hinggil sa African swine fever.

Nanawagan din si Magno sa mga residente doon na agad ipagbigay alam sa kanilang tanggapan kung may madidiskubreng patay na hayop sa ilog upang maimbestigahan.

Samantala, magpapatuloy sa pagsasagawa ng validation ngayon araw ang mga kawani ng agriculture department ng munisipyo hinggil sa kumakalat na balita na mayroon umanong mga patay na baboy ang itinapon sa ilog.

Napag-alaman na hinihintay na lang ng anak ni Siancua ang resulta ng kanyang drug dependency exam.

Inuusisa na ngayon ng MBDJ ang rason ni Siancua sa pagdala nito ng ipinagbabawal na gamot sa kulungan.

Huling bumisita si Siancua sa kanyang anak sa MBDJ Marso ngayong taon.

Nakakulong na sa Bacolod Police Station-10 ang suspek at posibleng sampahan na ng kaso ngayong araw.