-- Advertisements --
image 324

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Ports Authority ang ilang ipinagbabawal na armas sa isang pasahero na nasa Passenger Terminal Building ng ahensya sa Ormoc City na patungo sana sa Cebu.

Kinala ang pasahero na si Raymund Villanueva Y Bucatcat.

Kabilang sa mga nakuhang armas ay isang improvised pistol, dalawang rounds ng caliber 7.62 live ammunitions, at apat na rounds ng caliber .45mm live ammunitions.

Natagpuan ang mga prohibited item na ito sa gamit na pag-aari mismo ni Bucatcat.

Nabigo rin itong magpakita ng mga kinakailangang dokumento ng kanyang mga armas dahilan upang maharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Law.

Sa ngayon ay na turnover na si Bucatcat sa Philippine National Police ng Ormoc City Police Office kasama ang kanyang mga personal na gamit.