-- Advertisements --

Ibinaba na sa level zero ang alertong ipinatutupad sa Bulusan Volcano mula sa dating alert level 1.

Ayon sa volcano bulletin na inilabas kaninang umaga, walang natukoy na mga aktibidad ang Phivolcs mula sa nasabing bulkan sa Sorsogon, sa mga nakalipas na buwan kaya inilagay na ito sa normal status.

Kabilang sa inobserbahan ang mahinang volcano-tectonic earthquakes na nanggagaling sa Bulusan,  at pagbuga ng usok at abo nito sa nakalipas na tatlong buwan.

Gayunman, posible pa ring muling itaas ang alerto kung may made-detect na abnormalidad.

Inaasahang makakatulong ang deklarasyon ng mas mababang alerto upang muling makahikayat ng turista sa paligid ng Bulusan at upang mapanatag na rin ang kalooban ng mga residente sa naturang lugar.