-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Agaw-atensyon ang ipinanganak na puting tuta dahil sa kakaiba nitong itsura sa Barangay Tagas, Tangalan, Aklan.

Ang tuta ay may isang mata sa gitna ng kanyang mukha na tila isang “cyclops” at may dalawang baba.

Ayon Amie de Martin, residente ng naturang lugar at may-ari ng tuta na ito umano ang unang beses na nanganak ng ganitong hitsura ang kanilang alagang aso kaya umaasa silang magdadala ito ng swerte sa kanilang pamilya.

Ngunit, sa kasamaang palad ay namatay rin ang naturang tuta.

Samantala, ipinaliwanag ng Office of the Provincial Veterinarian na may abnormalidad sa pagdevelop nito habang ipinagbubuntis ng kanyang ina.

Imposible rin umanong mabuhay ng matagal ang mga ipinanganak na cyclops puppy.