Nakakita ng oportunidad ang mga gang sa Mexico para humanap ng alternative alcohol sources makaraang ipatupad ang lockdown sa naturang bansa.
Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Mexicano namamatay dahil sa pag-inom ng alak na hinahaluan ng illegal substance tulad ng drugs, ecstacy, roopees at kung ano-ano pa.
Naubusan na kasi ng suplay ng beer ang bansa matapos ipasara ang mga liquor at beer factories dahil sa coronavirus pandemic.
Unang naitala noong Abril sa Kanlurang bahagi ng Jalisco ang 121 kataong namatay dahil sa pag-inom ng adulterated alcohol. Ito’y isang buwan lamang matapos ianunsyo ang health emergency sa buong Mexico.
Hinala naman ng mga otoridad na ang pag-inom ng “moonshine” na may halong methanol ang ikinamatay ng 53 katao sa probinsya ng Puebla,
Ayon kay Denis de Santiago, pinuno ng Sanitary Risks sa Jalisco, dahil daw sa kakulangan ng supply sa alak ay ginagawa nang negosyo ng iba ang pagbebenta ng methanol imbes na ethyl alcohol.
Ang methanol ay kalimitang ginagamit sa paggawa ng gasolina at solvent.
Ipinagbawal ang [agbebenta ng alak sa iba’t ibang estado sa Mexico dahilan para ang karamihan ng mga kumpanya ay gumawa na lamang ng antibacterial gel na kanila namang ibinabahagi sa federal government at health workers.