Nasamsam ng Bureau of Customs Port of Cebu noong Miyerkules, Nobyembre 16, ang 700 reams ng mga smuggled na United cigarette at iba’t ibang kendi kasama ang delivery van.
Tinatayang nagkakahalaga ng Php350,000 ang smuggled na sigarilyo na ikinarga sa loob ng isang delivery van na may dalang sari-saring candies.
Ibinyahe pa ito sakay ng barko mula Zamboanga hanggang Camotes, Cebu.
Saulat mula sa Coast Guard, sinabing bigo pa umanong magpakita ng mga mahalagang dokumento ang may-ari nito bilang basehan sa pagiging lehitimo ng pagtransport ng mga sigarilyo.
Kaagad na naglabas ng Warrant of Seizure and Detention si District Collector Atty. Elvira Cruz laban sa kalakal batay sa Section 1113 (a), (f), (k), at (l-1 &5) kaugnay ng Section 118 (f) ng Customs Modernization and Tariff Act.
Samantala, patuloy na pinalalakas ng Port of Cebu ang pakikipagtulungan nito sa iba pang maritime enforcement units upang masecure ang mga border ng bansa laban sa mga pagtatangka ng smuggling.