NAGA CITY – Agad na nagsagawa ng clearing operation ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) matapos maitala ang nabuong umano’y ipo-ipo sa Libmanan, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Staff Sgt Emy Rose Organis, tagapagsalita ng PNP-Libmanan, sinabi nitong abala ang mga tao sa naturang bayan para samga gagawing aktibidad kaugnay nang nalalapit na kapistahan nang maramdaman ang naturang insidente.
Ayon kay Organis, base sa kanilang monitoring, wala namang bahay o indibidwal ang nadamay sa mga dinaanan ng naturang ipo-ipo maliban na lamang aniya sa ilang mga puno na naputolat nabali ang mga sanga.
Kaugnay nito, agad naman aniyang nagsagawa ng ng clearing operation ang MDRRMO para maiwasang may maapektuhan pa sa mga naputol na kahoy sa lugar